Kahalagahan ng Teknikal-Bokasyunal na pagsulat


 Teknikal-Bokasyunal na pagsulat:

Ang Teknikal-Bokasyunal na pagsulat ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham,inyera,teknolohiya at agham pang kalusugan. Mahalagang may malinaw at kumpleto ang binibigay na impormasyon nang sa gayon ay mas maunawaan ito.

Karaniwang ginagamit ito sa liham pangnegosyo,manwal, feasibility,naratibong ulat, deskripsiyon sa paggawa ng produkto, dokumentasyon, flyers, leaflets at promotional materials at gayun na din ang mga paunawa, babala, anunsiyo at menu ng pagkain.


Kahalagahan ng Teknikal-Bokasyunal

• Una,matutulungan nitong palawagin ang ating kaalaman at mas maging mahusay sa larangang tinahak
• Pangalawa, nakakatulong ito sa mga industriya tulad ng mga kainan lalo na sa pag gawa ng menu ng pag kain maging ang flyers na nagsisilbing adbertisment sa isang industriya.
• Pangatlo, Malaki din ang naitutulong nito sa mga teknikal na dokumento mas mabilis, episyente at produktibo.
• At pang huli, mahalaga ito sa mag-aaral dahil ito ay mag sisilbing sandata upang lubos na maunawaan ang larangang pinili at espesyalisasyon at magamit sa hinaharap.

   Napaka episyente nga naman ng Teknikal-Bokasyunal na pagsulat hindi lang napapalawak ang ating espesyalisadong bokabularyo o sa ingles ay jargon kundi marami din ang naitutulong nito sa industriya,napapabilis din ating gawain at lalo na sa ating mga estudyante na nagsisilbing sandata ng lubos na maunawaan ang napiling larangan


Mga Komento