Mahal mo ba ko?

Bakit ba ako ganito?
Nalilito na ko.
Gagawa ako ng mga pekeng scenario,
Na ikakagalit ko,
Ikatatampo ko,

Magmumokmok ako sa isang tabi
Iisipin Ang mga Hindi naman totoo.
Mahal mo ba ko?
O ako Lang tong nagiisip na Mahal mo Rin ako

May tumawag Lang dyan sa telepono mo,
Makita Lang Kita na may kachat na iba nagseselos ako
Pero kunwari okay Lang ako
Pero yung totoo nasasaktan ako

Makita Lang Kitang masaya sa iba
Kumikirot tong puso ko
masakit isipin na may ibang taong  nagpapaligaya sayo

Minsan pa nga gusto Kitang yakapin,
Lambingin kaso nahihiya ako
Hanggang chat Lang ata ako
Kasi una sa lahat Wala namang tayo

Magkaibigan nga Lang pala tayo
Anong karapatan Kong magselos
Sino ba ko?
Eh kaibigan mo lang naman ako

Di ko masabi na miss na kita
Na Mahal Kita
Na gusto Kong yakapin ka
Na gusto ko sakin ka
Na mahal na mahal na mahal kita

Kaso nahihiya ako
Yung hiya ko may kasamang takot.
Takot na ba ka ireject mo ko
Na hanggang kaibigan lang ang turing mo

Nanaginip ata ako ng gising
Na mamahalin mo ko tulad ng pagmamahal ko sayo
Kung panaginip man to gusto ko nang gumising
Ayoko ng masaktan pa
Kaso ayaw Kong iwan Kang nagiisa




Mga Komento